Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Huwebes, January 20, 2022:
- 4 na magkakaibigang nagpunta sa isang sabungan sa Laguna, isang linggo nang hindi umuuwi at hindi makontak ng kanilang mga kaanak; 6 na lalaking nagsabong sa Manila Arena, hindi pa rin nahahanap mula nang mawala noong Jan. 14
- OCTA Research, kumbinsidong pababa na ang mga bagong kaso ng COVID sa Metro Manila pero hindi pa raw ito tiyak para sa sa buong bansa
- Bagong kaso ng COVID-19, muling umakyat sa 31,173
- Resbakuna sa mga 7 piling botika para sa booster shots, umarangkada na; bawal ang walk-in at dapat magparehistro sa LGU
- ECC, inirekomendang dagdagan ang mga benepisyong makukuha ng mga empleyadong nagpositibo sa COVID
- 2 nakaparadang sasakyan, nagliyab at sumabog
- PAO Chief Acosta, hindi raw anti-vaxxer; iginiit na hindi pa nagpapaturok kontra COVID dahil may agam-agam sa mga bakunang ginawa nang mabilisan
- 4 kabilang ang 2 Nigerian national na sangkot umano sa hacking sa BDO noong Disyembre, timbog
- Ilang aspirants para sa #Eleksyon2022, nagbigay ng kani-kanilang pahayag sa maiinit na isyu
- Ilang senatorial aspirants para sa #Eleksyon2022, nagbigay rin ng kani-kanilang pahayag
- 4 na lalawigan sa bansa, isasailalim sa Alert Level 4
- Mga kasinungalingan umano sa pamumuno ni dating Pres. Ferdinand Marcos, isa-isang tinalakay ng grupong 1Sambayan
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of 24 Oras.
24 Oras is GMA Network's flagship newscast, anchored by GMA News pillars Mike Enriquez, Mel Tiangco, and Vicky Morales, featuring top news stories from the Philippines and the hottest showbiz news on Chika Minute hosted by Iya Villania. Visit GMA News Online (http://www.gmanews.tv/24Oras) for more.